Friday, July 12, 2013

Pinagmasdan ko siya papalayo sa akin sa ilalim ng buwang kakalahati. Habang hinahagod ng mga mata niya ang paligid na kinabibilangan ng kabiyak ng kanyang puso. Pinagmasdan ko ang paglapat ng kanilang mga kamay. Ang labi niyang inaalayan ng ngiti ang napakapalad na nilalang.

Noon ako nakadama ng tunay na kasiyahan para sa ibang tao. Sa mga matang hindi para sa akin. Sa kamay na para sa isa't isa. Sa labing langit ang ngiti para sa muling pagtatagpo.

Noon ko rin unang nasabing “Ah, minahal ko nga siya.”

No comments:

Post a Comment