Saturday, February 12, 2011

Tila sumama sa pag-alis mo ang kalahati ng puso ko. Hindi ko na mabigay yung pagmamahal ko ng buong-buo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Marahil ganito talaga ang pakiramdam ng nagmahal ng higit pa sa sarili ngunit sa kalaunan iiwan din pala. Ang saklap hindi ba? Pero wala akong magagawa. Ang tanging alam ko lamang ay dapat maghilom ang puwang na iniwan niya sa akin. Paano? Iyan ang hindi ko alam, kailangan ko muna sigurong hanapin ang aking sarili at imulat ang sarili sa mga bagay-bagay. Ah basta, hindi ko alam. Pero naramdaman mo naman ba na minahal kita? Naramdaman ko naman ba na minahal mo ako? Hindi ako sigurado. Pero kahit gaano na katagal, kapag may mumunting bagay na makapagpapa-alala sayo, naalala kita. Ibalik mo naman yun o, mukhang hindi mo na din naman kasi kailangan. Para naman, maging masaya na din ako, yung totoong saya, gaya ng saya ko noong tayo pa.

No comments:

Post a Comment