Kailangan unti-unti ang diskarte. Ang sikreto—pahiran din ng pananabik ang labi bago sumabak sa kapareha. Ilapit mo ng dahan-dahan (as in da… han… da… han…) ang labi sa kahalikan. Ibuka mong kaunti ang labi mo, ilapit sa labi ng kapareha, pero huwag munang ilapat agad-agad. Takamin mo muna ang kabilang labi, ipadama ang mainit na hininga (siguraduhing nakapag-mouthwash o di ma’y nakapagmumog man lang), at saka ilayo ng konti ang labi. Kapag sumunod sa direksyon mo ang kabilang labi, saka mo idampi ang labi mong bahagya lamang na nakabuka. Hayaan mong maglayag ang dila mo—una sa gilid ng kanyang mga labi (padaanan mo ng dila ang outline ng labi n’ya), pagkatapos ay ipasok sa labi n’ya ang dulo (dulo lamang, entiendes?) ng dila mo at saka alising bigla. Pasadahan ang lower lip n’ya ng bahagyang pasipsip habang minamasahe ng dila mo ang lower lip. Ulitin ito sa upper lip. Sa mga pagkakataong ilalabas niya ang kanyang dila upang makipag-espadahan sa dila mo, tumigil nang sandali at huwag gantihan ng dila-sa-dila. Ibuka ng bahagya ang labi at hayaang ang kapareha naman ang mag-explore. Hulihin mo ang dila n’ya, sipsipin ng bahagya at saka pakawalang bigla. Itanim ang pinatigas na dila mo sa bibig ng kasama, hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang gawin dito. Pagkatapos nito’y bawiing bigla ang dila mo at pasadahan mong muli ang lower lip at upper lip n’ya. Kung tila naghahanap na ng dila ang kalaplapan, hulihin ang dila n’ya, sipsipin ito ng bongga at saka makipag-buhulan na ng dila. Babala: sikaping walang tulo factor ang laway.
Pamhinta X, Louie Cano
No comments:
Post a Comment