Monday, June 10, 2013

Nagseselos ako sa araw
na siyang unang nakakakita
sa kislap ng 'yong mga mata.

Nagseselos ako sa tasa ng kape
na siyang unang nakadarama
sa lambot ng 'yong mga labi.

Nagseselos ako.
Oo, seloso ako.

No comments:

Post a Comment