Sa mga pagkakataong
humuhuni ang ibon
o tumutugtog
ako sa aking pyano.
Sa mga pagkakataong
nalulungkot ang langit
o bumubuhos
ang malakas na ulan.
Sa mga pagkakataong
umuulan ng bulalakaw
o may dumaang
UFO sa langit.
Alam kong limot mo na.
Alam kong nakalimot ka na.
Habang ako...
Ako'y hindi pa.
No comments:
Post a Comment