Bagong taon
na ating nasilayan.
Bagong buhay
na ating inaasam.
Bagong pag-asa
para sa atin.
Bagong panimula
para sa ating mga
pagkakamali.
Bagong pangarap
na bibigyang
katuparan.
Bagong mithiin
na isasakatuparan.
Bagong pananaw
ng ating buhay.
Marahil,
magkakaroon rin
ng bagong kaibigan.
Magbabago ang
lahat sa iyo
ngunit bago ang
lahat pasalamatan
natin ang
Poong Maykapal
sa panibagong
simulang hatid
Niya sa atin.
No comments:
Post a Comment