Ninais kong maglaho
sa paningin ng bawat isa
ngunit hindi ko magawa,
dahil ayokong may
makakita, ayokong may
makapansin sa bigat
na aking dinadala.
Kaya narito ako ngayon
sumasabay sa bawat
halakhak nang walang
makakita at walang
makapansin sa tunay
kong nadarama.
No comments:
Post a Comment