Friday, December 14, 2012

At kung sakaling
makita kitang muli
lalapit akong
palayo sa iyo
upang makita
mula sa kabilang
dako ang
kahapong
nagturo sa akin
kung paanong
mamuhay at
magmahal nang
higit pa sa sarili.
Ngingiti ako
dahan-dahan,
papalayo
papunta sa
mundong
pinili ko't
tinalirukan mo.

No comments:

Post a Comment