Mahal kita.
Hindi ko alam kung papaano at hindi ko alam kung bakit. At mas lalong hindi ko alam kung hanggang kailan. Sa ngayon, alam ko na mahal kita at mamahalin pa kita ng matagal na matagal.
Hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung papaano mo napapagaan ang kalooban ko sa tuwing nairinig ko ang boses mo. Bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang ibang tao pa dyan? Bakit ikaw ang hinahanap-hanap ko sa araw araw? Bakit ikaw pa ang hindi ko matiis? Bakit ikaw pa ang gusto kong napapasaya? Bakit ikaw ang gusto kong nakakausap? Bakit ikaw ang binubuhusan ko ng bawat effort? Bakit ikaw ang naiisip ko sa bawat oras? Bakit ikaw, bakit ikaw pa ang naiisip kong makasama pang habang buhay? Hindi ko alam kung papaano mo napapasaya ang napakamalas kong mga araw. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa matatamis mong salita. Hindi ko maipaliwanag ang galak kosa tuwing nagkakasiyahan tayo. At hindi ko maisip ang buhay kapag wala ka.
Sa kabilang palad, hindi palaging galak ang nararamdaman ko. Meron ding kalungkutan. Dahil sa totoo lang, wala akong paki kung ilang bilyong tao pa ang nasa mundo. Ikaw. Ikaw lang ang gusto ko. At napakasakit isiping ang layo natin sa isa’t isa. Kaya bakit ganun, bakit ikaw pa? Bakit mahirap na landas ang pinili ko? Bakit handa kong gawin ang kahit ano basta’t para sayo? At papaano nalang kung magtapos na ang “tayo?” Alam kong hindi iyon ang ikamamatay ko, pero alam ko din na mahihirapan ako ng wala ka. Kung mawawala ka, parang may mawawala na ring malaking parte sa kalooban ko. Parang may nawawala sa kalooban ko at ikaw lang ang makakapagkumpleto nito. Dahil ikaw. Ikaw lang ang katangi-tanging taong gusto ko.
Nabago mo ako. Hindi mo lang alam, pero nabago mo ako sa maraming paraan. O hindi pala. Nabago ko ang sarili ko para sa'yo. Pwedeng masamang pagbabago, at pwede ring mabuting pagbabago. Pero hindi na importante 'yon. Magpapakasaya na lang ako sa piling mo at susulitin ang bawat oras na nasa buhay kita. Mahal kita. Hindi ko alam kung saan tayo patungo. Ang alam ko lang ay gusto kong nasa tabi pa rin kita hanggang dulo.
No comments:
Post a Comment