Thursday, November 8, 2012

At kung makita kong muli
ang matamis na ngiting
naka-ukit sa iyong mga labi,
umasa kang ibabalik ko
ang iyong mga ngiti
mula sa aking labi.
Buong-buo't tunay
ni walang halong
anumang pag-iimbot.
Isa ka pa ring malaking
parte ng pagkatao ko
na hindi ko maikakaila.
Oo, parte na dati'y buo,
na dati'y mundo.

No comments:

Post a Comment