Hindi ko alam
ang araw
ay may isang linggo
o ang oras
ay may isang araw.
Hindi ko alam
sukatin
ang oras
o ang pagdaloy nito
mula sa paglipas
sa akin.
Hindi ko maunawaan
ang timbang
ng sandali
o ang pagitan
ng taon.
Ang alam ko lang,
ang nauunawaan ko lang
ay ang sipnayan
ng buhay,
ay ang mga panahong
ang iyong kamay
ay nasa aking kamay,
at sa mga sandaling
ito ay
wala.
No comments:
Post a Comment