Friday, November 9, 2012

Wala

Wala.
Wala ka.
Wala ka na nga.
Wala na talagang tayo.
Wala na talagang tayo—ikaw at ako—ngayon.
Wala na talagang tayo ngayon—ikaw at ako—maling panahon.
Wala na nga talagang tayo ngayon ngunit sayang dahil sa maling panahon.
Walang kwentang panahon pero sa tamang tao—ako at ikaw—tayo.
May mali nga bang panahon kung sa tamang tao?
Walang kwentang panahon; oras at tiyempo.
Wala tayo sa panahon.
Wala tayo.
Wala 'to.
Wala.

No comments:

Post a Comment