Wednesday, November 14, 2012

At kung sakaling
Ako'y iiwan mo
Yakapin mong:
Malamlam,
Mahigpit —
Ang bawat alaalang
Natipon, naiwan
Sa isang sulok
Ng aking puso.
At nang sa gayon
Madama mo rin
Ang kapanglawang
Dulot ng ating
Lumipas at
Kinuyom na
Pagsasama.

No comments:

Post a Comment