Thursday, November 29, 2012

Sinabi nang ‘wag mo ‘kong pansinin eh. Bakit ba ang kulit ko? Nagpapapansin ngunit ayaw mapansin?

O sya, sya, hindi ko talaga sinabi sa’yo. (Pero sinabi ko dito. Oo na, wala ka naman dito.) Pero kahit na. Sinabi ko (shhh).

Ewan ko. Baka epekto lang ng pagkasabaw nating dalawa - ng hindi natin pagtulog (hindi dahil may ginawa tayong magkasama) kagabi ‘tong “spark” nilang tinatawag at “spark” na naramdaman ko (at “spark” na ako lang ang nakakakita). Dapat kasi hindi mo nalang ako pinansin. Dapat hindi mo nalang ako kinulit (O dinikitan. O nilapitan. O tinabig-tabig. O hinawakan sa likod, sa baywang, at sa kung saan [sana lang]). Dapat hindi mo nalang ako kinausap para ‘di tayo nagsaya (para ‘di ako nagsaya). ‘Di tayo nagtawanan (O nagkahulugan). Dahil sa mga simpleng paghawak mula sa taong kagaya mo na hindi kakikitaan ng malisya, pagnanasa, o anumang intensyon (na nanaisin ko rin balang araw), sa mga simpleng paghawak na ‘yon, do’n ako nadadali. Do’n ako nahuhulog. Do’n ako nagsisimulang mabuhay (at mamatay). Kaso ayon, ando’n na. Sampung segundong magkadikit na likod ng mga kamay. Walong segundong magkatitigan. Labing dalawang segundong walang humpay na ngitian. Dalawampung minutong pagtabi sa dyip. Tatlompu’t apat na pangangalabit (at numero-numerong panggagagong pagbibilang). Ano pa nga ba, pinansin mo na ‘ko eh. O yan.

Hala.

No comments:

Post a Comment