Saturday, November 10, 2012

Gamitin mo ako
Pasunurin, kailanganin
Upang limutin ang iba.
Hanapin, paglipasan
Ng 'yong munting oras
Pulutin, yakapin,
Itulak,
Itapon,
Biglaan.
Ayos lang
Baka sakaling
Paminsan minsan
Mapagtanto ko rin
Na baka ako nalang.

No comments:

Post a Comment