Thursday, November 8, 2012

Gabing madalim. Madaling araw na kay lagim. Gising kasama ng mga kuliglig. Na patuloy na umuulinig. Ito'y dahil sa'yo. Kakaisip sa'yo. Kakalasap sa ideyang tayo. Kung tayo. Kung maaari bang tayo. Kung papalarin bang maging tayo. Kung nararapat bang maging tayo. Kung nasaan ka. Kung kailan kita makikita. Kung paano ako ngingiti sa ating nalalapit na pagtatagpo. Kung matutuwa ka ba sa ating itinakdang pagkikita. Kung ano ang sasambitin ko sa'yo. Kung paano ka tutugon sa sinabi ko. Kung matutuwa ka ba kapag makita mo ako. Kung mahal mo ba ako. Nababangag sa puyat. Nababaliw sa kakaisip. Natutuliro sa kakapangarap. Itutuloy sa aking panaginip ang harayang ito. Tsaka gigising nang tila nakapikit. At babangon nang pilit. Umaasang ngayong araw, ay ang araw na makikita ka ulit.

No comments:

Post a Comment